Thursday, May 13, 2010

misunderstood..

~
- friend vs. partner -

Monday:

stress itong araw na ito for me.. but the good thing nakapag usap kami bi "B" at na settle yung mga issue namin.. naalala ko pa nga na sinabi nya na mas okay yung nag-sasabihan kami ng mga sama ng loob.. which i totally agreed.. sarap ng feeling nun, kasi parang lalo tumibay yung relasyon namin.. tapos na work nya kaya umuwi na siya.. (4hrs ahead ang pinas from dubai).. pag uwi ko galing work.. nag bihis, toothbrush and ready to sleep na.. pero sympre mag facebook muna ako..I'm playing this "night club city", bagong game sa facebook..

then may nag chat popup.. si "J".. (isa sa medyo issue namin).. 12:35 A.M na sa pinas nun.. madaling araw na.. hindi ko naman kasi ni check kung sino nag online.. basta naglalaro lang ako.. ayun.. sa napag usapan namin.. hindi ko maintindihan kung bakit iba yung sinasabi nitong "J". isa lang naman gusto ko malaman.. kung nag usap ba sila ni "B" tungkol dun sa first fight namin.. pero iba sinabi nya.. like wala daw silang pinag-uusapan personal tungkol samin at napapansin ko na ang tagal nya mag reply.. at parang hindi nya alam ang isasagot ko sa tanong ko.. para ngang may kinakausap pa.. ang tagal sumagot.. simpleng tanong lang..

..Teka... sino ba si "J"..

..paano ba sya naging topic at issue namin ni "B"..??

matagal ko ng kilala si "J".. pero matagal na hindi kami nakakapag-usap or kamustahan.. bigla na lang natigil..friendster pa lang un uso nun.. parang silent war, yun lang.. hindi naman kami nag away or anything.. until a month ago or so, nag pa-add sa facebook.. okay.. nag kamustahan lang ulit.. ganun.. Pero wala akong nakwento about samin ni "B".. alam nya may partner ako na nasa pinas.. that's it.. wala akong ni kkwento sa kanya.. minsan nga nag lalaro pa kami scrabble.. yun lang.. walang anything about my lovelife or personal life..

isang araw nagulat na lang ako at mag ka friends sila sa facebook.. nakita ko kasi sa wall updates nung hmm MAY 8... nag like si "B" sa status ni "J"..sabi ko sa sarili ko.. oh mag friends pala sila.. okay..

then tinanong ko si "B" matagal mo syang kilala? hindi daw...

(sila ni "B" like a month or so lang sila nagka-kilala..dahil sa facebook.. nakapag-usap na daw sila sa chat before.. kay "J" daw sya nag confide nung first away namin.. at kay "J" daw sya humingi ng advice nung mga time na yun) okay..

so ayun nga. balik sa kwento ko.. nag tataka lang ako bakit sa tagal ng mag ka facebook kami ni "J" eh wala syang kinukwento na kilala nya pala partner ko.. tapos sinabi pa nya na wala daw silang pinag usapan ni "B" about sa personal na away namin before.. hmm bakit ganun? parang magulo.. ano bang gustong gawin ni "J"?? may pinaplano b itong masama??

ginawa ko.. copy and ni-send ko sa facebook ni "B" ung full chat conversation namin ni "J".. kung paano nya ni deny yung fact na yun.. tapos natulog na ako..

Tuesday:

sakit ng ulo ko pag gising ko, inom ako ng gamot.. check ko phone ko may dalawang message from "B".. kakain n daw sya.. lunch time kasi sa pinas.. ako naman nakatulog ulit dahil sa gamot na ininom ko.. muntik na akong ma-late sa work ko.. ayun pag dating ko sa work.. excited pa ako check facebook ko at pag check ko ng inbox.. galit na si "B" sakin.. wala daw akong tiwala sa kanya.. etc..etc.. in-short nakipag break na sya sakin.. una.. natulala ako.. hindi ko alam kung ano rereact ko.. nasa hospitality side yung work ko.. Kailangan ko mag smile sa mga tao dito.. hindi ako makaiayak.. parang biglang sumakit ulo ko.. napaupo ako.. napatingin sa malayo.. nung time na yun.. dun pa ako sa reception na walang computer.. phone ko lang gamit ko para mag facebook.. shit! ang haba ng sinabi nya.. daming sinabi against me.. sa last message nya sabi nya burahin ko na daw sya sa facebook ko..

which i did.. sa sobrang galit ko.. pati si "J"..

Wednesday:

walang text or message from you.. hindi ako mapakali.. parang may kulang sa lahat ng ginagwa ko sa office.. ayoko muna ipaalam sa friends ko.. pero ayun nag change status ako sa facebook.. lalabas pala sa update.. hooray! tanga lang.. sabi ko naman sa sarili ko.. bakit ko naman tatago pa.. hmm iniisip ko pa din kung mali yung ginawa ko.. asar ako kasi nakipag break sa facebook.. nag send lang ng message.. eh hindi ko naman sya ka chat. okay nga siguro kung ka chat pa.. i think breaking up with someone ay dapat pinag uusapan at parehas kayo nag decided na ganun na lang.. at bakit ganun agad decision nya?? naasar sya kasi feeling daw nya wala akong tiwala sa kanya.. well ewan ko sa knya.. tulala pa din ako.. dami pumapasok sa isip ko.. hindi ako makatulog.. sabi nila pag hindi ka daw makatulog sa ginawa mong decision meaning daw nun eh, hindi daw tama yung decision.. hindi ako makatulog kasi wala na sya....

Thursday:

sakto lang gising ko.. 10:15A.M alis ng bus.. so 9:30A.M ako nagising sa alarm.. ewan ko pero okay naman gising ko.. kain akong tinapay and soya milk.. tapos naligo at nagbihis.. mga 10:00A.M tumawag yung officemate ko sa phone ko.. 1:00P.M na daw ako pumasok.. Wow.. sana tumawag sya ng mas maaga... grrr..anyway okay lang.. ayun open ko computer ko at pag bukas ko ng message ko sa facebook.. nag mesage si "B"..

nag usap kami sa ym.. yun nga, nag usap kami about kay "J".. sinabi nya na tinawagan sya ni "J" ng madaling araw around 2:00AM nung monday dahil nga daw ka chat nya ako at nangungulit daw akong alamin kung ano meron sa kanila or kung meron bang something sa kanila.. tanong daw ako ng tanong.. WHAT!!!!! uminit ulo ko..

GGGGRRRRR!!!! tumayo ako at tinodo ko yung aircon!! tapos nag-chat ulit kami.. wala daw akong tiwala. blah blah.. blahh blaahh. wala naman daw silang something ni "J".. at nag usap lang naman daw sila sa "Phone" before dahil nga confide lang sya kay "J" nung first away namin... another WHHHHAAATTTT!!!! nag usap sa phone??? kala ko chat lang kayo nag usap dati? so sa phone pala sila nag usap.. okay.. erase the fact na sa phone sila nag usap.. pero yung tumawag si "J" ng madaling araw kasi ka chat ko sya at nag tatanong ako kung nag usap ba sila ni "B" tungkol dun sa first fight namin??.. EH BAKIT?? bakit pa sya tumawag ng 2:00A.M? at bakit kailangan pang tumawag?? ang gulo.. so tama pala.. kaya pala ang tagal ni "J" sumagot nung ka chat ko sya.. tinawagan pala nya si "B".. para lang sa tanong ko??

may mali ba sa tinatanong ko??

CALL a FRIEND ba yung ginawa nya?

hindi naman sya mananalo ng 1 MILLION sa question ko ah..

EHH.. bakit ba?..

ano ba meron sa first fight namin ni "B"??

well?? just to make a conversation lang.. open up a topic.. of course gusto ko din malaman kung bakit hindi na-kwento sakin ni "J" na nag confide partner ko sa kanya before.. at bakit hindi nya sinabi sakin kilala nya pala partner ko.. at ano ni advice nya that time.. naging part ba yung advice nya kung bakit naging okay ulit kami ni "B"?? sympre gusto ko naman mag thank you sa kanya.. di ba?? ikaw ba hindi k ba mag t-thank you sa taong nag-aadvise sa partner mo?..


- "B" i just want to say that your status for this day "its over.... final.." someone like it....

- "J" likes this..

went from being "engaged" to "single."

- "J" likes this..

- yeh lovin it as well. enjoy!
~